^

Metro

Masamang tumingin, delivery boy kinatay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang delivery boy makaraang pagsa­saksakin nang nakasa­gutan nitong pedicab driver, kamakalawa ng gabi sa Pasay City dahil lamang sa ma­samang tingin.

Nahuli pa sa akto ng nagrespondeng pulis na nakakubabaw at walang habas na pinagsasasaksak ng suspect na si Diego Obligado, 32, ng Brgy. Sto. Niño ang biktimang si Domingo Balino, 42, ng Blk. 10, Lot 5, Narra St., sa naturang barangay.

Kaagad na inaresto ni PO3 Melfin Delasalungan, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 6 ng Pasay police si Obligado habang isinugod naman ng mga barangay tanod sa Pasay City General Hos­pital ang biktima ngunit hindi na ito umabot pang buhay.

Sa imbestigasyon ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, nagtalo ang dalawa makaraang sitahin ni Obligado si Balino dahil sa masamang tingin.

Dahil sa nasa impluwensya ng alak, matapang na sinagot ito ni Balino at naghamon ng away.

Sinabi ni Obligado na siya umano ang unang sinaksak ni Balino sa kanang kamay gamit ang isang patalim kaya siya bumalik ng kanyang bahay at kinuha ang itak.

Nang abutan sa labas, dito na pinagtataga ng suspek ang biktima hanggang sa abutan ng rumespon­deng pulis.

vuukle comment

BALINO

DIEGO OBLIGADO

DOMINGO BALINO

MELFIN DELASALUNGAN

NARRA ST.

OBLIGADO

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with