^

Metro

Magsyota itinumba sa Marikina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang magnobyo makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspect habang ang mga biktima ay naglalakad sa kalsada patungo sa bahay ng kanilang kaibigan sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni  P/Senior Supt. Reynaldo Jagmis ng Marikina City Police ang mga biktima na sina Richard Maya-maya, 19, construction worker at nobya­ nitong si Catherine Rabulan, 16, kapwa residente ng Brgy. Nangka, Marikina City.

Ang dalawa ay nagtamo ng tama ng bala ng  kalibre 45 baril sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Batay sa ulat ng Marikina Police, ganap na alas-8:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Brgy. Nangka habang ang mga biktima ay naglalakad umano upang sunduin ang isang kaibigan sa Anastacia Village sa nasabing barangay nang lapitan sila ng hindi kilalang suspek na armado ng isang kalibre 45 baril.

Wala umanong sabi-sabing­ pinagbabaril ng suspek ang magnobyo na nag­resulta sa agarang kama­tayan ni Maya-maya.

Nagawa namang makatakbo ni Rabulan pero siya man ay pinagbabaril din ng suspek.

Nang makita na pareho nang walang buhay ang da­lawa ay saka kinuha ng suspek ang pera, cellphone at relo ng magnobyo at kaswal­ na naglakad patungo sa isang naghihintay na sa­sakyan para tumakas.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung holdap nga ba o may iba pang motibo ang krimen.

 

vuukle comment

ANASTACIA VILLAGE

BRGY

CATHERINE RABULAN

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA POLICE

REYNALDO JAGMIS

RICHARD MAYA

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with