^

Metro

Binata pinatay sa loob ng bahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuang wala ng buhay ang isang binata dahil sa mga tama ng saksak na natamo nito  buhat sa hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng kanyang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Orlie Castello, 29, residente ng Asuncion St., Morning Breeze Subdivision, ng naturang lungsod. Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang madiskubre ng ina ng biktima ang duguang katawan ni Orlie sa loob ng bahay. Tadtad ng tama ng saksak ang biktima na sanhi ng kanyang kamatayan.

Blangko naman ang ina na si Merlita sa pangyayari dahil sa natutulog siya at inakala niyang nasa kanyang kuwarto ang biktima buong magdamag. Patuloy naman ang im­bestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan inaalam kung nanggaling sa labas ang biktima at may nakaaway o sa loob mismo ng kanyang bahay ito pinaslang.

vuukle comment

ASUNCION ST.

BLANGKO

CALOOCAN CITY

MERLITA

MORNING BREEZE SUBDIVISION

NAKILALA

NATAGPUANG

ORLIE

ORLIE CASTELLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with