^

Metro

Barker utas sa resbak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na barker ang na­matay matapos na barilin nang mala­pitan sa Quiapo, Maynila kahapon.

Patay na ng  idating  sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Valentin Pangilinan, ng  R. Hidalgo St., Quiapo, habang pa­tuloy ang pangangalap ng testigo para sa pagkakakilanlan sa suspect at sa ikalulutas ng kaso.

Ayon sa pulisya, dakong alas-11:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa panulukan ng Elizondo at R. Hidalgo Sts., sa Quiapo, habang nagtatawag ng pasahero ang biktima.

Bago ito, kamakalawa ng umaga, pumarada ang motorsiklo lulan ang hindi pa nakikilalang lalaki na angkas ang isang babae na sinita naman ni Pangi­linan dahil sa paradahan umano iyon ng mga pampasaherong jeep na biyaheng Punta Sta. Ana via Quiapo.

“Napahiya siguro yong suspect, kaya sinabihan yong barker (biktima) na babalikan siya,” ayon sa im­sbestigador.

Kahapon maaring isinakatuparan ng suspect ang banta sa biktima. Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya habang inaalam ang tunay na motibo ng pamamaril.

vuukle comment

AYON

ELIZONDO

GAYUNMAN

HIDALGO ST.

HIDALGO STS

ISANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

PUNTA STA

VALENTIN PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with