^

Metro

Nagbigti, naglaslas ng pulso, uminom ng Domex estudyante ng Lyceum nag-suicide ‘

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tila siniguro ng isang computer science­ student na hind­i na siya mabu­buhay matapos itong uminom ng  panlinis ng  banyo, maglaslas ng pulso at magbigti kahapon ng mada­ling-araw sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital  si  Daryl Tolentino, 17, 1st year student sa Lyceum of the Philippines  at residente  ng Velasquez St., Tondo, Maynila.

Ayon kay  SPO3 Rodelio T. Lingcong ng MPD homicide  section natagpuan ang  bangkay ng biktima dakong alas-5 ng madaling-araw sa loob ng  kuwarto nito.

Sinabi ni Jay Tolentino, tiyuhin ng biktima na tumawag ang ina ni Daryl kung kaya’t pinuntahan niya ang  huli sa kuwarto nito. Si Jay ang tumatayong guardian ng  biktima.

Laging gulat niya  nang makita na naka­bigti na ito gamit ang isang kumot, laslas ang pulso at may isang bote ng  Domex sa kuwarto nito.

Hindi pa malinaw sa pulisya kung ano ang posibleng dahilan nang pagpapakamatay ng binatilyo, gayunman nagsasagawa pa rin ng  imbestigasyon upang ma­­laman kung  may foul play sa pagkamatay nito.

vuukle comment

DARYL TOLENTINO

JAY TOLENTINO

LYCEUM OF THE PHILIPPINES

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

RODELIO T

SHY

SI JAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with