^

Metro

Ama ni Kristel binigyan ng trabaho ni Lim

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tulad na rin ng kanyang ipinangako, binigyan na ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ng trabaho ang ama ng UP student na si  Kristel Tejada na nagpa­kamatay matapos na  mabigong makapagbayad ng tuition fee.

Kasama ang kanyang maybahay na si Blessilda at tatlo pang anak, lubos ang kagalakan ng  pamilya Tejada sa trabaho na ibinigay ng alkalde  upang matustusan ang kanilang mga panga­ngailangan at mapag-aral ang ibang kapatid ni Kristel.

“Nagpapasalamat ako sa inyong lahat bilang ina ni Kristel. Nakikita n’yo man akong naging matatag sa mga nakaraang linggo, dahil na rin sa ipinagkaloob na tulong ni Mayor Lim. Hinding-hindi po namin makakalimutan ang tulong ninyo. Kayo po ang unang-unang lumapit at buong pusong tumulong sa aming pamilya sa gitna ng aming pagdadalamhati. Salamat po,” ani Blessilda habang napapaluha.

Matatandaang si Lim ang sumagot  ng lahat ng  gastusin sa punerarya at pagpapalibing ni Kristel.

 Ang ama ni Kristel na si Christopher ay kasalukuyang nakatalaga sa department of public services sa pamumuno ni Engineer Armand Andres­.

vuukle comment

BLESSILDA

ENGINEER ARMAND ANDRES

KASAMA

KRISTEL

KRISTEL TEJADA

MANILA MAYOR ALFREDO S

MATATANDAANG

MAYOR LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with