^

Metro

Bading natagpuang patay sa loob ng motel

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihinalang atake sa puso ang ikinasawi ng isang 47-anyos na umano’y bading na natagpuang patay sa loob ng isang motel na nag-check-in kasama ang sinasabing lover nito sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi. Isang ATM card na may pangalang Edgar Sanchez, ng  Malate, Manila ang nakuha sa biktima. Dakong alas-8:15 ng gabi nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng Room 304 sa  Spring Hotel sa 858 Rizal Avenue sakop ng Sta Cruz.

Bago ito, bandang alas-6:00 ng gabi nang mag-check-in ang nasawi kasama ang isang lalaki. Dakong alas-8:15 ng gabi nang mapansin ng motel personnel na nagmamadaling lumabas sa kuwarto ang kasamang lalaki ng biktima kaya pinigil nila ito. Habang nagsasagawa ng routine call ang mga room boy sa kuwarto ng biktima ay hindi nila napansin na nakapuslit na palabas ang di-nakilalang lalaki. Nang buksan nila sa pamamagitan ng duplicate key ang kuwarto ng biktima ay tumambad sa kanila na nakadapa ito sa kama, nakasuot ng kulay green na brief, polo shirt na may kulay green na kuwelyo at wala nang buhay. Wala namang nakitang anumang sugat o palatandaan na sinaktan ang biktima kaya naniniwala ang pulisya na inatake ito at  walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.

 

vuukle comment

BIKTIMA

CRUZ

DAKONG

EDGAR SANCHEZ

HABANG

HINIHINALANG

ISANG

RIZAL AVENUE

SPRING HOTEL

STA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with