^

Metro

Holdaper patay sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang buhay na bumulagta sa kalye ang isa sa hinihinalang holdaper makaraang mabaril ng mga awtoridad sa isang engkwentro, ilang minuto matapos nitong holdapin ang isang dalagita sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Walang nakuhang anumang  pagkakakilanlan sa nasawing suspect na inilarawang nasa  edad na 30-35, may taas na 5’4, moreno, may tattoo na “Masi”,”Barok”, “Boy Munoy”, “Talim” , “Parola”, larawan ng dalawang lalaki, at “Mo” sa magkabilang braso nito.

Mabilis namang nakatakas ang isa pang kasamahan nito. Positibo namang tinukoy ng biktimang si Anjanete del Rosario, 15, estudyante ng San Bartolome high School ang nasawi na siyang humoldap sa kanya at tumangay ng kanyang cell phone.

Nangyari ang shootout sa  Road St.,  corner Araneta Avenue, Brgy. Tatalon, ganap na alas -12:30 ng madaling araw.

Bago ang insidente, naghihintay umano ng masasakyang jeepney ang biktima malapit sa lugar papauwi sa Novaliches, nang biglang sumulpot ang mga suspect at nagdeklara ng holdap.

Kasunod nito, biglang kinuha ng isa sa mga suspect ang Samsung wave  cell phone ng biktima na nakasabit sa leeg nito, saka mabilis na tumakas.

Gayunman, nakita ng biktima ang nagpa­patrulyang pulis na sakay ng isang mobile car at mabilis na hiningan nito ng tulong.

Agad namang nagsagawa ng pagtugis ang mga awtoridad kasama ang biktima, hanggang sa maispatan. Tinangka ng mga awtoridad na pahintuin ang mga suspect, pero sa halip na sumunod ay pinaputukan umano sila ng mga huli.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na nauwi sa engkwentro at magresulta sa pagkasawi ng isa sa mga suspect.

 

vuukle comment

ANJANETE

ARANETA AVENUE

BAROK

BOY MUNOY

BRGY

ROAD ST.

SAN BARTOLOME

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with