^

Metro

Sumingit sa pila sinita, pedicab driver tigok

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ngayon ng Navotas City Police ang isang pedicab driver na sumingit na nga sa pila ay nagawa pang saksakin at mapatay ang kapwa pad­­­yak boy na sumita sa kanya, kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Nakilala ang tumakas na suspect na si Aljon Ma­namba, nasa hustong gulang, ng Tumana, North Bay Boulevard South, Na­votas. 

Dead-on-arrival naman  sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Harold Layson, 18 ng Temporary Housing, Tondo, Manila.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-6 ng umaga sa pila ng pedicab sa Lapu-Lapu st., NBBS. Matiyagang nakapila ang biktima nang singitan ng suspect nang ito na ang  kukuha ng pasahero.

Dito nagkaroon ng ma­initang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa mauwi sa suntukan. 

Ngunit sadyang hindi palalamang si Manamba na nagbunot ng patalim at pinagsasaksak ang biktima saka mabilis na tumakas.

vuukle comment

ALJON MA

DITO

HAROLD LAYSON

LAPU-LAPU

MANAMBA

MATIYAGANG

NAVOTAS CITY POLICE

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

TEMPORARY HOUSING

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with