^

Metro

2 gang rape suspect timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Southern Police District ang dalawa sa apat na suspect sa pangga-gang rape sa dalawang babae kamakailan sa Parañaque City.

Kasabay nito, sinampahan na rin ng kaso sina Norie Peruda, 30, obrero, at Marvine Mendiola, 20, kapwa nangu­ngupahan sa boarding house sa no. 276 Casoy St., Sampaloc Site 2, BF Homes, ng naturang lungsod. Isinama rin sa kaso ang mga nakakalaya pang suspect na sina Ramil Pilula at kapatid nitong si Ryan, na pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad.

Sa ulat ng SPD, naganap ang panggagahasa dakong alas-7 ng umaga noong Nobyembre 30 sa loob ng boar­ding house ng mga suspect. 

Nabatid na inanyayahan ng suspect na si Ramil ang mga biktima na sina alyas Sheena, 20, college graduate, ng Bacoor, Cavite at alyas Tintin, 17, ng Paco, Maynila.

Ayon sa mga biktima, paulit-ulit silang ginahasa  ng mga suspect at ikinulong sa loob ng boarding house. Ilang beses pa umanong naganap ang panggagahasa sa kanila hanggang sa magawang makalabas ng boarding house ng dalawang biktima kamakalawa ng tanghali.

Agad na nagsumbong ang mga biktima sa kani-kanilang mga magulang na siyang humi­ngi ng saklolo sa pulisya. 

Mabilis namang sinalakay ng mga otoridad ang natu­rang boarding house kung saan nadakip sina Peruda at Mendiola.

vuukle comment

AYON

BACOOR

CASOY ST.

CAVITE

MARVINE MENDIOLA

NORIE PERUDA

RAMIL PILULA

SAMPALOC SITE

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with