^

Metro

Trike driver inambus habang namamasada

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sakay sa kanyang minamanehong tricycle ang isang lalaki nang pagbabarilin at mapatay ng hindi pa tukoy na salarin sa lungsod Quezon kamakalawa.

Isang tama ng bala sa leeg at isang tama pa sa kaliwang balikat ang natamo ng biktimang si Russel Galang, 23, ng Steve St., Brgy. Common­wealth sa lungsod na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Blangko pa ang pu­lisya sa pagkakakilanlan ng salarin.

Nangyari ang in­si­dente sa harap ng Lucio’s store na mata­tagpuan sa  Don Fabian St., ng na­sabing ba­rangay ganap na alas-7 ng gabi.

Sinabi ni Lucio Libelo, residente sa lugar, nasa loob siya ng kanyang bahay at naghuhugas ng pinagkainang pinggan nang makarinig siya ng dalawang malakas na putok sa labas ng kanyang bahay.

Nang kanyang tignan ang pinagmulan ng mga putok, natagpuan niya ang biktima habang duguang nakahandusay sa pinasadang tricycle.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­rations (SOCO) narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng kalibre 45 baril na ginamit ng mga suspect sa pagpatay sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang motibo ng mga suspect sa pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

BLANGKO

BRGY

DON FABIAN ST.

ISANG

LUCIO

LUCIO LIBELO

RUSSEL GALANG

SCENE OF THE CRIME OPE

SHY

STEVE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with