^

Metro

Sangkot sa pananaksak sa UST student inilantad ng MPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinunyag na ng Manila Police  District (MPD) ang pangalan ng tatlong babaeng estudyante na sumaksak sa isang UST student na nanood lamang ng stage play sa compound mismo ng Far Eastern University sa Maynila.

Kinilala ni Supt. James Afalla, commander ng MPD Station 4 ang tatlong ko­lehiyala na sina April Borro­meo, Danica Suba at Danica Ortega, pawang estudyante ng FEU.

Sa panayam kay Afalla, nakuha  ang mga pangalan ng mga suspect sa  pakikipagtulungan  ng pamunuan ng FEU upang maresolba ang krimen.

Nabatid na ang mga nabanggit ang sinasabing sumaksak sa UST student na si Joanne Lourdes Reyes. Ang mga ito ay  ginawaran ng suspensiyon at kabilang sa mga kinasuhan ng frustrated murder.

Una rito ay tinukoy ang sumaksak sa biktima na si Maria Crisitine Acosta  na patuloy pa ring nagtatago.

Naniniwala si Afalla na bagaman hindi pa sumusuko ang mga nasabing estudyante ay mapapabilis na rin ang pagdakip sa kanila dahil sila ay kilala na.

 

vuukle comment

AFALLA

APRIL BORRO

DANICA ORTEGA

DANICA SUBA

FAR EASTERN UNIVERSITY

JAMES AFALLA

JOANNE LOURDES REYES

MANILA POLICE

MARIA CRISITINE ACOSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with