Holdaper kritikal sa pamamaril

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 37-anyos na lalaki na sinasabing holdaper matapos itong pagbaba­rilin ng di-kilalang lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Tatlong bala ng baril ang tumama sa katawan kung saan inoobserbahan sa East Avenue Medical Cen­ter­­ si Tom Jones Sumalbag ng Rose St., Camarin sa nabanggit na  lungsod.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City PNP, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi nang hol­dapin  ni Sumalbag ang biktimang si Jercito Boncalan sa Everlasting St.

Mabilis namang naipa­abot ni Boncalan sa pulisya ang insidente kaya sina­mahan nina PO2 Ernesto Albero at PO2 Noel Vitug.

Namataan naman si Sumalbag na naglalaakd sa kahabaan ng Daisy St. matapos itinuro ng biktima kaya hinabol ito subalit mu­ling nakatakas.

Makalipas ang ilang minutong paghahabol ay sunud-sunod na putok ang narinig sa madamong bahagi ng  Daisy St.

 Nang puntahan ng mga pulis ay nakitang duguan si Sumalbag kaya kaagad na isinugod sa nasabing ospital.

Show comments