^

Metro

Bus sinalpok ng kapwa bus: 16 sugatan

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Aabot sa 16 katao ang iniulat na nasaktan matapos ang banggaan ng dalawang bus sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon, kahapon.

Ayon kay PO3 Nicanor Joven, traffic investigator, ang mga sugatang biktima ay pawang pasahero ng Kelly bus (UVN-399) at dinala na sa East Avenue Medical Center.

Nangyari ang insidente sa may south-bound lane ng Commonwealth Avenue, harap ng Sandiganbayan ganap na alas-10 ng umaga.

Katwiran ng bus driver na si Hilario Guadez Jr. sa awtoridad na pumalya ang kanyang preno kung kaya nangyari ang aksidente.

Nakadagdag din umano ang madulas na kalye bunga ng pag-ulan kung kaya nagtuluy-tuloy na siya at nabangga ang hulihang bahagi ng Saint Rose bus na bumabagtas sa unahan niya.

Wala namang nasugatang pasahero sa Saint Rose bus.  

vuukle comment

AABOT

AYON

COMMONWEALTH AVENUE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HILARIO GUADEZ JR.

KATWIRAN

NAKADAGDAG

NANGYARI

NICANOR JOVEN

SAINT ROSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with