Rider lasog sa motorsiklo

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider matapos tumilapon sa sinasakyang motorsiklo makaraang mawalan ng control sa manibela at tumama sa gutter nang mag-overtake dito ang isang kotse sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Leonardo Asuran, 34, ng Marcelo St., Brgy. Malanday, Valenzuela City .

Sa ulat ng Malabon City Police Traffic Enforcement Unit, alas-6:30 ng gabi, binabagtas ng biktima sakay ng Honda Wave ang Governor Pascual Avenue, Malabon City, nang biglang may mag-overtake dito na isang kotseng hindi na nakuha ang plaka.

Nailang ang biktima at nawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa sumayad sa gutter ng kal­sada ang gulong na naging dahilan ng pagtilapon nito.

Sa lakas ng pag­bagsak ay nawasak ang suot na helmet na naging dahilan ng pinsala sa ulo at katawan nito.

Show comments