^

Metro

Picture ni Ramgen, iprinisinta ng star witness

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Kabilang ang litrato ng pinaslang na si Ramgen Re­villa sa matibay umanong mga ebidensya na iprinisinta kahapon ng itinuturing na star witness sa kasong pagpatay sa half-brother ni Senador Bong Revilla sa pagsalang nito sa pagdinig kahapon sa Parañaque City Regional Trial Court kahapon.

Sa direct examination na isinagawa ni public prose­cutor Atty. Apolinar Quetulio, Jr., isinasalaysay ng saksing si Roel Puzon sa sala ng Parañaque RTC branch 274 ang naganap na pag-recruit sa kanya upang likidahin si Ramgen at kung ano ang mga partisipasyon ng lima pang akusado sa krimen.

Isa-isang itinuro ni Puzon ang mga akusadong sina Michael Jay Nartea, Norwin dela Cruz, Glyza Visda, Ryan Pastera at Ramon Joseph Bautista na kapatid ng biktima na sangkot sa krimen.

Kasama umano si RJ Bautista sa Toyota Innova na sinakyan ng mga suspek at malimit na kausap sa tele­pono ng akusadong si Pastera.

Iprinisinta pa ni Puzon sa korte ang larawan ni Ramgen na umano’y ibinigay sa kanya ni Pastera noong Oktubre 12 upang kanyang matandaan sa planong pagpatay dito.

Dumalo rin naman sa pagdinig ang ina ni Ramgen na si Genalyn Magsaysay na nagsabing makakasalungat ang naging testimonya ni Puzon.

Itinakda naman ng korte­ ang muling pagsalang sa witness­ stand si Puzon sa Hunyo 19, alas-8:30 ng umaga­ para sa cross exami­nation naman ng panig ng depensa.

vuukle comment

APOLINAR QUETULIO

CITY REGIONAL TRIAL COURT

GENALYN MAGSAYSAY

GLYZA VISDA

MICHAEL JAY NARTEA

PASTERA

PUZON

RAMGEN

RAMGEN RE

RAMON JOSEPH BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with