^

Metro

Delivery boy utas sa sekyu

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Utas ang isang delivery boy nang barilin ng nakaalitang security guard sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jeffrey­ Mantalaba, 20, stay-in sa Peñarubia St., Binondo.

Pinaghahanap na ang tumakas na suspect na kinilalang si Jerome V. Hernandez, 20, ng Nagcarlan, Laguna, nakatalaga at stay-in sa All Star Building, sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na naawat naman ng isa pang guwardiya na si Mario Bataan. Nagpaawat naman ang dalawa hanggang sa magtungo na sa quarters ang biktima upang matulog.

Subalit, hindi nagtagal ay narinig ang putok ng baril at nang tingnan, nakita ang biktima na duguan ang dibdib at humihingi ng saklolo hanggang sa bumagsak sa kanyang higaan.

Isang testigo ang nagsabing nakita niya ang guwardiyang si Hernandez na hawak pa ang service firearm na ibinaril sa biktima at naghahamon ng laban bago tumakas.  

ALL STAR BUILDING BINONDO HERNANDEZ ISANG JEFFREY JEROME V KINILALA MANTALABA MARIO BATAAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with