^

Metro

Lalaki patay sa 'tulak', 2 sugatan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 43-anyos na lalaki ang namatay matapos na barilin ng nakaaway na mga ‘tulak’ kung saan dalawa pa ang nasugatan matapos tamaan ng ligaw na bala sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead on the spot si Edgardo Pinlac, may-asawa, walang trabaho ng Wilson Subd., Cavite City sanhi ng tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan.

Sugatan naman sanhi ng tama ng ligaw na bala ang anak ng biktima na si Manny, 16, out of school youth at Agustina Aralla, 41, vendor, at kapwa ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkilanlan  ng tatlong lalaking armado ng baril na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ni SPO1 Jonathan Moreno, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 8:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng San Bartolome at Asuncion  Sts., Tondo, Manila.

Nauna dito, nagkakaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima kasama ang anak nito at mga suspect hanggang sa barilin ng isa sa kanila ang biktima.

May impormasyong onsehan sa iligal na droga ang pinagtatalunan ng mga suspect at biktima.

AGUSTINA ARALLA ASUNCION CAVITE CITY EDGARDO PINLAC GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER INAALAM JONATHAN MORENO MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION SAN BARTOLOME WILSON SUBD
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with