^

Metro

Police asset nilikida

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead on arrival sa Ospital ng Sampaloc ang isang sinasabing police informer nang pagbabariln ng umano’y riding in tandem sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Hilario Constantino, 40, ng Paltok St., Sampaloc Maynila. Sa report ng pulisya, sa ulo tinamaan ng bala ng baril ang biktima nang barilin dakong alas-4:00 ng hapon sa isang karinderya na matatagpuan sa Buenas, Aires St., Sampaloc.

Bigla na lamang umanong sumulpot ang dalawang lalaking suspect sakay ng motorsiklo at matapos ang pamamamril ay humarurot papalayo.

May impormasyon ding ang bikima ay nakatanggap ng death threat bago pa ang insidente.

AIRES ST. BIGLA HAPON HILARIO CONSTANTINO KINILALA MAYNILA OSPITAL PALTOK ST. SAMPALOC SAMPALOC MAYNILA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with