^

Metro

2 tricycle driver nagsaksakan, kapwa patay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kapwa patay ang dalawang tricycle driver nang magsaksakan ang mga ito matapos maungkat ang dati nilang alitan habang kapwa naghihintay ng kanilang magiging pasahero kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sina Francis Manansala, 35; at Pablo Fabia, 52, kapwa may asawa at kapwa nakatira sa Heroes Del 96, Brgy. 73, ng na­sabing lungsod.

Nabatid na dakong alas-5:30 ng umaga naganap ang insidente sa Apostol St., ng nasabing lungsod habang parehong naghihintay ng kani-kanilang pasahero ang dalawa nang magtalo at maungkat ang kanilang dating alitan.

Sa gitna ng pagtatalo ay bumunot ng patalim si Fabia at sinaksak si Manan­sala habang nagawa namang ma­bunot ng huli ang patalim na nakabaon sa kanyang dibdib na na­ging dahilan upang maka­ganti ito ng saksak sa una.

Matapos ay kapwa di­nala sa naturang pagamutan ang dalawa subalit hindi na rin umabot ng buhay ang mga ito.

vuukle comment

APOSTOL ST.

BRGY

CALOOCAN CITY

FABIA

FRANCIS MANANSALA

HEROES DEL

KAPWA

MANAN

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

PABLO FABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with