^

Metro

Bus salpok sa bus: 1 utas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isa ang iniulat na na­sawi habang 18 ang sugatan nang mawalan ng preno ang sinasakyan nilang pampasaherong bus at bumangga sa isa pang bus sa Otis St., Paco, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang pasaherong nasawi na si Erlinda Magallanes, 70, retired teacher, ng Bernadette Subdivision, Pandacan, na idinekla­rang patay sa Medical Center Manila bunga ng pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Ang iba pang biktima ay ginagamot naman sa nasabing ospital sa Sta. Ana Hospital, at iba pang kalapit na pagamutan, ka­bilang ang driver ng Pandacan Transport bus (NVC-585) na si Arnel Am­pinoquio, na nag­sa­bing nawalan siya ng preno.

Nabatid na dakong alas-9:15 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa Otis St., nang mawalan ng kontrol si Ampinoquio sa minamanehong bus at mabangga ang isa pang Pandacan Transport bus (TYV-520) na minamaneho ni Re­nato Pamplonas na may sakay na 11 pasahero.

Si Ampinoquio ay nasa kustodya na ng MPD-TEU habang inihahanda ang mga kasong reckless im­prudence resulting in homicide, multiple phy­sical injury at damage to property sa Manila Pro­secutor’s Office.  

vuukle comment

ANA HOSPITAL

ARNEL AM

BERNADETTE SUBDIVISION

ERLINDA MAGALLANES

MANILA PRO

MEDICAL CENTER MANILA

OTIS ST.

PANDACAN TRANSPORT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with