Ginang patay sa heat stroke

MANILA, Philippines - Patay ang isang 40- anyos na ginang ma­tapos na atakehin umano ng heat stroke sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Nakasubsob pa sa batya nang maabutang walang buhay si Monalisa Panti, ng Nia Road, Brgy. Pinyahan matapos na atakehin ng nasabing karamdaman.

Ganap na alas-4 ng ha­pon nang mapa-ulat ang pagkamatay ng biktima, ha­bang ito ay nasa ikalawang palapag ng kanyang bahay.

Bago nito, dahil sa na­raramdamang alinsa­ ngan, nagpasya si Panti na magpa-igib ng tubig sa kanyang anak para makapag-punas ng katawan at mapreskuhan.

Subalit, habang naghihintay sa pagbalik ng kanyang anak, biglang inatake ang biktima saka sumubsob sa batya at mawalan ng buhay.

Show comments