Misis pinatakas ang mister na may kaso, tiklo

MANILA, Philippines - Arestado ang isang ginang nang patakasin nito ang asawang may kaso nang a­arestuhin ito ng mga pulis sa loob ng bahay nito sa Caloocan City kama­kalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Obstruction of Justice ang suspect na  si Amelia Hangibay, 21, ng Phase 4, Bagong Silang ng nabanggit na  lungsod.

 Ayon sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-10:00 ng gabi, ng pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng pamilya  Hangibay ma­tapos makumpirmang nasa loob ang asawa ni Amelia­ na si Alfie na may kasong murder.

Sinalubong ni Amelia ang mga pulis at hindi pinapasok kaya nakatakas ang asawa na dumaan sa iba pang pinto ng bahay.

Tila hindi naman nagsisisi si Amelia sa ginawang pagpapatakas sa asawa.

Show comments