Pulis tinodas sa palengke

MANILA, Philippines - Isa na namang pulis-Kyusi­ ang iniulat na napas­lang matapos pagbabarilin ng tatlong di-kilalang kalalakihan sa harap ng pa­lengke sa Brgy. Parang, Marikina City kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa leeg, ulo at dibdib ang biktimang si SPO3 Rocco Matic, 42, nakatalaga sa Quezon City Police District-Station 9, dating nakatira sa Barbara St. sa Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-3:45 ng hapon sa bisinidad ng NGI Parang Market sa nabanggit na barangay.

Nabatid na nasa loob ng Mitsubishi Adventure si SPO3 Matic habang hinihintay ang kanyang misis at dalawang anak sa pamamalengke nang lapitan at ratratin. Mabilis namang tumakas ang tatlong armadong kalalakihan lulan ng motorsiklo.

Hindi na naisalba ang buhay ni SPO3 Matic ma­tapos dalhin sa Amang Rodriguez Medical Center habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments