^

Metro

Driver dedo sa atake sa puso

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Patay sa atake sa puso ang isang jeepney driver, habang tinatakasan ang isang kotse na kanyang nabangga sa Marikina City kahapon ng umaga, na nag­resulta sa pagkasugat ng dalawa katao.

Ang biktima ay nakilalang si Aquino de Jesus, 29, may asawa, driver ng pampasaherong jeepney na may biyaheng Montalban-Cubao at may plakang TXF-426.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Sr. Supt. Gabriel Lopez, hepe ng  Marikina City Police, bago natagpuang patay ang biktima ay nabangga umano nito ang isang Toyota Innova (PQN-761) na minamaneho ni Leilani Samson, empleyada ng Marikina City Police, dakong ala-1:00 ng madaling-araw, na ikinasugat ng dalawang sakay nito.

Sa takot ni De Jesus ay ka­agad itong nagtatakbo at tinakasan ang nabangga.

Hinanap umano ng jeepney­ operator at maging ng kanyang misis si De Jesus ngunit hindi ito matagpuan.

Dakong alas-5:45 na ng umaga nang matagpuan ng pintor na si Alfredo Tambosa ang biktima na wala nang buhay at nakasubsob sa damuhan sa isang bakanteng lote sa Agora-2, Bgy. Sto. Niño, Marikina City.

Papasok na umano si Tambosa sa kanyang trabaho nang matagpuan ang biktima at kaagad na iniulat ang in­sidente sa pulisya.

Teorya ng pulisya, inatake sa puso ang biktima habang tumatakas na nagresulta sa pagkamatay nito. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

ALFREDO TAMBOSA

AQUINO

BATAY

DE JESUS

GABRIEL LOPEZ

LEILANI SAMSON

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

SR. SUPT

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with