^

Metro

Sekyu hulog mula 4th floor, lasog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang 34-anyos na security guard nang mahulog ito mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Lasog ang katawan at basag ang bungo ng biktimang kinilalang si Felix Begino­, ng Blue Ridge Security Agency at residente ng Mayamot, Antipolo City.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi nitong Miyerkules sa Pietra building sa panulukan ng Vasquez at Pedro Gil Sts. sa Malate, Maynila.

Bago ang pagkahulog ni Begino, nakipag-inuman umano ito sa mga katrabaho na nagsimula alas-6:00 ng gabi.

Nabigla na lamang uma­no ng ilang saksi sa biglang pagbagsak ng biktima na na­kita pang sumagi sa kable bago bumulusok pa­baba at unang bumagsak sa isang sasakyan (NQZ-850) hanggang sa tuluyang bu­magsak na sa semento.

Masusi pang iniimbes­tigahan ang insidente. 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BEGINO

BLUE RIDGE SECURITY AGENCY

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

FELIX BEGINO

LASOG

MANILA POLICE

MAYNILA

PEDRO GIL STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with