Holdaper pisak sa trak, habang tumatakas

MANILA, Philippines - Pisak ang isang holdaper makaraang mabundol ng isang trak habang papatakas nang holdapin ang isang hardware sa Marikina City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing holdaper na si Mario Dosal, 23, ng Blk-4 Lot-20   Queens town Subd, Brgy. San Luis, Antipolo City habang naaresto naman ang kasabwat nitong si James Toledo, alyas Jovel, ng Concepcion Uno, Marikina City.

Ayon sa report ni SPO1 Fidel Draculan ganap na alas-4:45 ng hapon ng maganap ang insidente sa Conrado Valley, Nangka ng nasabing lungsod.

Sinasabing hinoldap ng mga suspek ang Hi-Ace Lumber na pag-aari ng isang Jimmy Tan kaya hinabol sila ng taumbayan habang sila ay papatakas sakay ng kanilang motorsiklo nang nabangga sila ng ang ten-wheeler trak (PJC-137) na minamaneho naman ni Ariel Ilao, 58. Pumailalim ang isang biktima sa trak na siyang dahilan para ito mapisak habang nadakip naman ang kanyang kasama.  

Show comments