Kargador todas sa trailer truck

MANILA, Philippines - Pisak ang isang 38-anyos na lalaki matapos na masagasaan ng rumaragasang trailer truck sa kahabaan ng Pier 4, Tondo, Maynila, inulat kahapon.

Nakaladkad pa ng ilang metro ang biktimang si Elizarde Reyes, ng Phase 3 Block 66 Lot 12 Bagong Silang, Caloocan City, habang inaalam na ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng tumakas na driver.

Ayon sa ulat, nasa pagitan ng alas-11:30 hangang alas-12:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Tondo.

Nabatid na galing sa isang inuman ang biktima nang mahagip ng paparating na trailer truck na tila hindi napansin umano ng driver na naging dahilan upang ito ay masagaan.

Show comments