^

Metro

9-anyos nene sex slave ng amain

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Mismo ang lola pa ng isang 9-anyos na nene ang nakahuli sa 28-anyos na amain makaraang maaktuhang nakapatong sa murang katawan ng una kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Naghihimas ng rehas na bakal matapos arestuhin ng pulisya ang suspek na si Teody Garcia ng San Juan St. sa Brgy. Dalandanan sa nasabing lungsod.

Nabatid na sinamantala ng suspek na nag-iisa ang biktima sa loob ng bahay bago isagawa ang maitim na balak ngunit naudlot ang pagkamanyakis nang biglang dumating ang lola ng bata.

Nagmamadali namang nagbihis ang suspek para takasan ang galit ng lola.

Nang tanungin ng lola ang apo, dito nabatid na maka-ilang ulit na siyang ginagalaw ng amain na hindi lang ma­isumbong dahil sa pananakot ng suspek. Agad na ipinaabot ng maglola sa Children’s and Women’s Desk ng Valenzuela City PNP ang insidente kung saan nasakote naman ang suspek.

vuukle comment

BRGY

DALANDANAN

MISMO

NABATID

NAGHIHIMAS

NAGMAMADALI

NANG

SAN JUAN ST.

TEODY GARCIA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with