^

Metro

Lalaki tinodas sa harap ng GF

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 27-anyos na lalaki matapos ba­rilin ng riding-in-tandem habang nagkukuwentuhan kasama ng kanyang ka­sintahan sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Noel Siscar Jr., welder, 59, ng Blue St., Tondo, May­nila na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo.

Inaalam naman ng pu­lisya ang pagkakakilanlan ng mga suspect na sakay ng motorsiklong hindi naplakahan na patungong Herbosa.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang in­si­dente sa #49 Quirino St. Tondo, Maynila.

Nagkukuwentuhan ang biktima at ang live-in partner na si Rosalie nang biglang sumulpot ang motorsiklo na sakay ang dalawang suspect at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya habang inaalam din kung ano ang tunay na motibo sa pamamaril sa biktima.

vuukle comment

ALONZO LAYUGAN

ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

AYON

BLUE ST.

HERBOSA

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NOEL SISCAR JR.

QUIRINO ST. TONDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with