^

Metro

Totoy lasog sa truck

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 14- anyos na binatilyo makaraang tumbukin ng isang trailer truck habang tumatawid sa kahabaan ng Edsa, Balintawak sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Chief Inspector Rey Medina, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1, nakilala ang biktima na si Remar Del Monte, ng Old Samson Road, Balintawak, QC.

Sumuko naman ang driver ng trailer truck (PDQ-282) na si Badao Marcelino, 34, ng C-3 Road, cor. Torsillo St., Caloocan City.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa kahabaan ng EDSA South-bound harap ng Balintawak Market ganap na alas-2:40 ng madaling-araw kahapon.

Diumano tinatahak ng nasabing truck ang lugar nang biglang tumakbo papatawid ang biktima at mabundol ito.

Nabatid na nakikipaghabulan umano ang biktima sa ilang grupo ng mga kabataan na umano’y kaaway nito nang mahagip ng nasabing truck.

vuukle comment

AYON

BADAO MARCELINO

BALINTAWAK

BALINTAWAK MARKET

CALOOCAN CITY

CHIEF INSPECTOR REY MEDINA

OLD SAMSON ROAD

QUEZON CITY DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT TRAFFIC SECTOR

REMAR DEL MONTE

TORSILLO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with