Bagong laya, tinaniman ng bala sa noo

MANILA, Philippines - Isang lalaking umano’y bagong laya sa piitan ang nasawi matapos na taniman ng bala sa noo ng hindi nakikilalang suspek habang nakikipag-inuman sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Isang tama ng bala sa noo ang kumitil sa buhay ng biktimang si Albert Ala, alias Ambet, 24, at residente ng Brgy. Palatiw, Pasig City.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek na tumakas, bitbit ang isang kalibre .45 pistola na ginamit sa pamamaslang.

Ayon kay P/ Supt. Russel Leysa, Team Leader ng EPDC Scene Of The Crime Operations (SOCO), lumilitaw na naganap ang pamamaslang dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa Evange­lista Compound, Brgy. Palatiw, Pasig City.

Nauna rito, nakikipag-inuman ang biktima at apat pang katao sa kaniyang mga kaibigan nang bigla na lamang umano itong barilin ng suspek sa noo, na agarang ikinasawi nito.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo ng pamamaslang.

Show comments