Sundalo todas sa akyat-bahay

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa isang sundalo ng Phil. Army makaraang pagsasaksakin ng ilang miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa loob ng kanilang tahanan sa Taguig City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Sgt. Alejandro Zerrudo, 48, may asawa, nakatalaga sa Head­quarters Support Group, Fort Boni­facio, Taguig City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya­ na nakarating kay P/Se­nior­ Supt. Tomas  Apolinario, hepe ng Taguig City PNP, naganap ang krimen sa bahay ng biktima sa Brgy. Hagonoy sa nasabing lungsod.

Huling namataang buhay­ ang biktima na naki­kipag-inuman sa isang civilian­ employee sa kanilang bahay.

Nabatid na magkaka­tabing natulog ang biktima at dalawa nitong anak kung saan umalis naman ang misis nito.

Nang umuwi ang misis ng biktima ay bumulaga ang mga gamit na nagkalat sa loob ng kanilang bahay kung saan natagpuan naman ang duguang katawan ng biktima sa loob ng ka­nilang kuwarto.

Hindi naman idinamay ng killer ang dalawang anak ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments