^

Metro

Rider lasog sa jeep

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang binata nang salpukin ng isang pampasaherong jeep ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nasawi noon din ang biktimang si Ranillo Domer, 24, ng Brgy. Marulas, ng nabanggit na lungsod, nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nasa custody naman ng pulisya ang suspek na si Francisco Librado, 33, ng Brgy. Catmon ng nabanggit pa ring siyudad.

Ayon sa ulat ng Malabon City Police Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-8:35 ng gabi sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Concepcion, Malabon City habang binabagtas umano ni Librado ang nabanggit na lugar at pinapasada nito ang kanyang pampasaherong jeep nang bigla na lamang may mag-over take sa kanyang sasakyan kung kaya hindi na niya naiwasan ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Domer.

Sa lakas nang pagkasalpok tumilapon ng may ilang metro ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.Sumuko naman ang suspect na si Librado.

vuukle comment

AYON

BRGY

FRANCISCO LIBRADO

LIBRADO

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

NASAWI

PASCUAL AVENUE

RANILLO DOMER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with