6 bahay tinupok ng apoy

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.3 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang anim na bahay­ malapit sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas-4 ng madaling-araw nang magsimulang kumalat ang apoy na sinasabing dulot ng electrical short circuit mula sa isang bahay.

Sa ulat ni C/Insp. Bonifacio Carta ng Manila Fire Bureau­, umakyat sa 4th alarm ang sunog at idineklara itong fire under control ganap na alas-6 ng umaga.

Nabatid na nahirapang apulahin ang sunog dahil masikip ang mga eskinita at hirap na makapasok ang mga tauhan ng pamatay-sunog.

Show comments