2 timbog sa 1 kilo ng shabu

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga ope­ratiba ng Regional Anti-Illegal Drugs ng National Capital Region Police Office (RAID-NCRPO) ang isang Chinese at isang Pinoy sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga na­dakip na sina Kevin Yu, 27, at Benigno Rapsing, 29.

Natunton ang mga suspect sa isinagawang ope­rasyon sa may Mayon St., malapit sa kanto ng P. Florentino St., Brgy. Sta. Teresita sa lungsod, ganap na alas-3:30 ng madaling-araw.

Nag-ugat ang nasabing operasyon ng NCRPO matapos na makatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa umano’y iligal na transaksyon ng mga suspect.

Kaya naman nang makumpirma ang nasa­bing tip, agad na pinlano ng mga tropa ang isang buy-bust operation kung saan isang poseur-buyer na alaga­d ng batas ang ginamit para magkunwaring bibili ng droga­ sa halagang P2 milyon.

Nakumpiska sa mga suspect ang may 1 kilo ng hinihinalang shabu at mga identification card na nakalagay bilang confi­dential agent ng PNP, isang kalibre 380 baril at isang sasakyan.

Show comments