^

Metro

Vendor nakasagi ng lasing, inutas

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Matapos magkasagian, isang fish ball vendor ang binaril at napatay ng isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Dead-on-arrival sa Polo Hospital ang biktimang si Jayson Villanda, 28, ng Veinte Reales ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspect na nakilalang si Paterno Cabelangan Jr. alyas “Pusa”, 29, ng Santo Rosario, Valenzuela City.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi, malapit sa bahay ng biktima. Kapwa lasing umano nang magkasalubong ang dalawa at nagkasagian sa makipot na kalsada.

Dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa binunot ng suspect ang dalang baril at saka binaril sa leeg ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas. Patuloy ang paghahanap sa suspect.

vuukle comment

DITO

JAYSON VILLANDA

KAPWA

MATAPOS

PATERNO CABELANGAN JR.

PATULOY

POLO HOSPITAL

SANTO ROSARIO

VALENZUELA CITY

VEINTE REALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with