^

Metro

Ex-police itinumba ng NPA

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Utas ang isang dating pulis nang pagbabarilin ito ng da­lawa sa apat na kalalakihan na naka- motorsiklo habang ang biktima ay naglalakad sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si ex-P02 Ronald Roxas, dating nakatalaga sa Navotas City Police at nakatira sa P. Borromeo St., Brgy. Longos, Malabon City, nagtamo ito ng ilang tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang mga kagawad ng Ma­labon City Police laban sa hindi pa nakikilalang mga suspek, kung saan ang mga ito ay miyembro ng ‘Armadong Operatiba ng Partido Marxista-Leninista ng Pilipinas’ matapos silang mag-iwan ng polyetos sa bangkay ng biktima.

Sa inisyal na pagsisiyasat, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga , sa nasabing lugar habang naglalakad ang biktima papunta sa tindahan nang bigla na lamang sumulpot ang isang motorsiklo na magka-angkas ang mga suspek. Kung saan may isa pang motorsiklo na sakay din ang dalawang suspek na nagsisilbing mga look-out.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na na­ging dahilan ng agaran nitong kamatayan, habang mabilis namang tumakas ang mga suspek. Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente

vuukle comment

ARMADONG OPERATIBA

BORROMEO ST.

BRGY

CITY POLICE

LONGOS

MALABON CITY

NAGSASAGAWA

NAVOTAS CITY POLICE

PARTIDO MARXISTA-LENINISTA

RONALD ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with