Tauhan ng MTPB binaril, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na binaril ng dalawang hindi nakikilalang suspect, habang sugatan din ang isa pa kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila. Patay na nang idating sa pagamutan si Orlando Almojuela, 48, ng Port Area, habang sugatan naman­ si Josephine Amistoso, 28, matapos tamaan ng ligaw na bala. Ayon sa ulat, dakong alas-7:20 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa nasabing lugar. Kararating lamang umano ni Almojuela at ipinarada nito ang kanyang motorsiklo sa harap ng kanilang bahay nang lapitan siya ng isang suspect at biglang pagbabarilin. Habang nag­silbing look-out ang kasama nito. Nang bumagsak ang biktima sa kanal, agad na naglakad ang suspect na tila walang nangyari. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

Show comments