^

Metro

Sekyu patay sa saksak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang security guard makaraang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin sa labas ng kanyang bahay sa lungsod Quezon kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Vete­rans Hospital si Sherwin Peralta, 39, ng Diamond Lane, Brgy. Culiat matapos na magtamo ng mga tama ng saksak sa kaliwang kilikili at sikmura.

 Ayon kay PO2 Jogene Her­nandez ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, hirap silang matukoy ang salarin dahil walang gustong magsalita sa mga residente kaugnay dito.

Nangyari ang insidente ganap na alas-10:30 kamakalawa ng gabi sa harap mismo ng bahay ng biktima.

Nabatid kay Jordana Abarga­, live-in partner ng bik­tima, na­­sa loob siya ng kanilang bahay nang makarinig ng sigaw ng paghingi ng tulong mula sa labas nito.

Agad na tinungo ni Abarga ang pinagmulan ng tawag, hanggang sa makita niya ang kanyang kinakasama na duguang nakahandusay sa semento.

Dali-dali siyang humingi ng saklolo sa mga kapitbahay at itinakbo ang biktima sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insi­dente.

vuukle comment

ABARGA

AYON

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DIAMOND LANE

JOGENE HER

JORDANA ABARGA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHERWIN PERALTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with