^

Metro

Vice-president ng PUP patay sa ambus

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay makaraang tambangan ng riding-in-tandem ang Vice president for Administration ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) habang sakay ng kanyang kotse mula sa nasabing eskwelahan sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si Atty. Augustus Cezar, 64, at residente ng Gen. A. Luna St., Brgy. Bangkal, Makati City.

Nadaplisan naman ng bala ang isang Nina Virlynda Nurulla, 25, nurse, ng GSIS Homes, Anonas St., Sta.Mesa, Maynila bagamat sa kamay lamang ang tama.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa dalawang lalaking nakasuot umano ng helmet at magkaangkas sa isang kulay puti na Enduro motorcycle. Nakasuot itim na jacket ang gunman at may katabaan ang katawan.

Dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang in­sidente habang papauwi na mula sa PUP campus ang biktima, sakay ng kanyang Toyota Lite Ace van (WSD-960) nang pagsapit sa panulukan ng Pureza at R. Magsaysay Blvd. ay huminto dahil sa red signal light.

Habang nakahinto ay biglang sumulpot ang isang lalaking nakatayo umano sa poste at dalawang beses na binaril nang malapitan sa ulo ang biktima.

Tumagos ang bala sa salamin ng kotse at tumama sa biktimang si Nurulla.

Sinabi ni MPD Director C/Supt. Roberto Rongavilla na hindi lamang isang ang­gulo ang kanyang ipasi­silip sa kaso kasabay na rin sa pagbuo ng Special Task Force August para tumutok dito.

Aalamin din ang isyu ng agawan ng posisyon sa nasabing eskwelahan kung saan tumatayong Secretary ng Board of Regents si Cezar.

Sinabi ng maybahay ng biktima na si Irene Cezar, wala siyang alam na kaaway ng mister at hindi umano nag-aaspire ng anumang mataas na posisyon ito sa PUP dahil paparetiro na ito sa darating na Disyembre.

Katunayan umano ay may tiket na sila ng mister para umuwi sa Aklan, ang kanilang lalawigan.

vuukle comment

ANONAS ST.

AUGUSTUS CEZAR

BOARD OF REGENTS

DIRECTOR C

IRENE CEZAR

LUNA ST.

MAGSAYSAY BLVD

MAKATI CITY

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with