^

Metro

Abogado tinarakan ng holdaper, kritikal

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang 29-anyos na abogado makaraang saksakin ng isa sa limang holdaper makaraang pumalag ang una,   kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kasalukuyang inoobserbahan pa sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Pio Windale Dadas, ng Katuparan Village, Taguig City matapos magtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman ang limang salarin matapos tangayin ang mamahaling cellphone at wallet na naglalaman ng P2,000 cash at mga IDs patungo sa hindi nabatid na lugar.

Lumabas sa imbestigas­yon ng Pasay City Police, na kabababa lamang sa terminal ng Partas Bus Terminal sa EDSA kanto ng Edang St. ang biktima at nag-aabang na ng masasakyang taksi nang palibutan ng limang lalaki na pawang armado ng patalim.

Puwersahang hinablot ng mga ito ang hawak na mamamahaling cellphone at kinukuha ang kanyang pitaka nang manlaban ang biktima. Dito na hinalihaw ng saksak ng isa sa mga salarin ang biktima saka iniwan na duguan sa semento.

Sinaklolohan naman ng mga tao na nasa lugar ang biktima at saka isinugod ito sa pagamutan.

vuukle comment

DITO

EDANG ST.

KASALUKUYANG

KATUPARAN VILLAGE

PARTAS BUS TERMINAL

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

PIO WINDALE DADAS

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with