P34-M ilalaan ng Navotas sa river wall, pumping station
MANILA, Philippines - Maglalabas ng multi milyong pondo ang Navotas City Hall Office upang maglagay ng mga river wall at karagdagang mga pumping station upang panlaban sa baha.
Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, aabot sa P34 milyon ang ilalaang pondo upang masimulan ang river wall mula sa Vadeo 5, San Roque hanggang Tangos at tatlong karagdagan pumping station sa mga nasabing lugar.
Nangako naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos na sa taong ito ang pumalyang navigational gate sa Tangos. Umaasa si Tiangco na kapag nakumpleto ang mga river wall, pumping station at navigational gate ay malaking tulong upang maibsan ang pagbaha sa lungsod.
- Latest
- Trending