Lalaki dedo sa gang war

MANILA, Philippines - Isang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng notoryus gang ang iniulat na pinagbabaril at napatay ng mga ’di-pa kilalang grupo sa muling pagsiklab ng karahasan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang binebe­ripika ang pagkakakilanlan ng lalaki na naisugod pa sa Dios­dado Macapagal Memorial Medical Center subalit idineklarang patay.

Base sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima nang harangin at ratratin sa madilim na bahagi ng Heroes Del 96 sa Brgy. 73.

Inilarawan lamang ng pulisya ang biktima na nakasuot ng denim shorts, black t-shirt, at may tattoo na Sputnik sa kanang hita.

Show comments