^

Metro

P.2-M pabuya vs killer ng staff ni VM Erice

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Naglabas ng halagang P.2 milyong pabuya si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa makakapagturo at makakahuli sa pumatay sa dating purok leader na tao ni Vice-Mayor Egay Erice.

Ayon kay Echiverri, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Caloocan ng ha­la­ gang P200,000 sa sinumang makakahuli o makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng dalawang sus­­ pek na pumatay kay Samuel Delana, 44, residente ng Bagong Silang, Brgy. 176 ng nabanggit na siyudad at pagka­sugat naman ng kasama nitong si Nelda Dioquino.

Kaugnay nito, naglabas na rin ng Computerized Compo­site Criminal Illustration (facial sketch) ang Northern Police District (NPD) laban sa triggerman ni Delana upang mas madali itong makilala.

Nabatid na ang suspect ay tinatayang nasa pagitan ng edad na 30 hanggang 31-anyos, katamtaman ang panga­ngatawan, kulay kayumanggi, may taas na 5’6” hanggang 5’7” at huling nakitang naka­suot ng asul na t-shirt.

Matatandaan na naga­nap ang pamamaril ay noong Martes, dakong alas-10:15 sa kahabaan ng Main Road, Phase 5, Bagong Silang ng nabanggit na siyudad.  

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

COMPUTERIZED COMPO

CRIMINAL ILLUSTRATION

ECHIVERRI

MAIN ROAD

NELDA DIOQUINO

NORTHERN POLICE DISTRICT

SAMUEL DELANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with