8 oras walang tubig sa ilang lugar sa Maynila

MANILA, Philippines - Walong oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang mga lugar sa Maynila mula mamayang alas-10 ng gabi (Martes) hanggang alas-6 ng umaga bukas (Miyerkules) dahil sa pag-a­ayos na gagawin sa lumang 400-millimeter pipe sa kanto ng Taft Avenue at Estrada St. sa Maynila.

Ayon sa Maynilad Waters ang mga apektado ng pagkawala ng tubig ay ang Mabini, Quirino Avenue, Adriatico, Leveriza, F. Reyes, Noli, Taft sa kanto ng P. Ocampo St. sa Maynila.

Bunsod nito, pinapayuhan ng Maynilad waters ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag ipon na agad ng tubig ngayong umaga upang may magamit na suplay sa panahon na walang tubig sa kanilang lugar. Humingi ng despensa ang Maynilad waters sa mga apek­tadong residente na ang improvement works ay para sa ikagaganda ng suplay sa kanilang lugar.

Show comments