Trike driver dedo sa riot

MANILA, Philippines - Patay ang isang 20-anyos na tricycle driver nang pagbabarilin ng nakalabang grupo ng kabataan, sa Tondo, Maynila, kahapon ng mada­ling araw.

Nagtamo ng mga bala sa kaliwang bahagi ng dibdib, isa sa kaliwang bisig at sa braso ang biktimang si Mark Joseph M. Silva, ng Tindalo St., Tondo.

Sinabi ni Insp. Armand Ma­caraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section na pakay ng kanilang follow-up operation ang anim na suspect na tumakas sakay ng isang tricycle.

Sa ulat, pumapasada umano ang biktima kaangkas ang isang Bryan Lopez at habang binabaybay ang Ba­tangas St. sa bahagi ng Sta. Cruz nang pagbabatuhin umano ng isang grupo ng binatilyo.

Tinamaan ng isang ma­laking tipak ng bato sa kanang hita ang biktima kaya mabilis nitong pinasibad ang kaniyang tricycle (TT-6036) at nang magbalik sa lugar ay may mga dala na ring mga bato.

Nauwi sa gantihan ng bato at riot ang insidente. May nakarinig umano sa sigaw ng mga suspect na “Reresbak pa kayo ha?” at pinaputukan ng sunud-sunod ang biktima, habang si Lopez naman ay nakatakbo papalayo.

Nadatnan ng imbestigador ang tricycle ng biktima na pawang may mga tama ng malalaking bato at di kalayuan ay nakahandusay naman ang walang nang buhay na katawan nito.

Show comments