Bangkay ng totoy, nabingwit sa ilog Pasig

MANILA, Philippines - Nabubulok na ang bangkay ng isang batang lalaki nang mabingwit ng mga tauhan ng isang motor tanker vessel sa Pasig River sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi. Nabatid na inireport ng mga crew ng M/T Marshall 2 sa Philippine Coast Guard (PCG) dakong alas-10:30, Huwebes ng gabi ang natagpuang bangkay ng hindi pa nakikilalang totoy. Inilarawan ito sa edad na 8 hanggang 11; 3’4’’ ang taas. Posibleng lumangoy at nalunod ang bata sa ilog at maaaring hinahanap pa ng mga kaanak. Dinala ang bangkay ng biktima sa St.Yvan Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.

Show comments