Fil-Am Friendship footbridge, bukas na
MANILA, Philippines - Pinasinayaan kahapon sa pangunguna ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang footbridge sa Roxas Blvd., sa Ermita, Maynila upang maprotektahan ang mga pedestrians na nais tumawid mula sa north-bound lane patungong south-bound at vice-versa.
Sinaksihan nina US Ambassador Harry Thomas, MMDA chairman Francis Tolentino at Manila 5th district Congressman Amado Bagatsing ang pagbubukas sa publiko ng tinaguriang ‘Filipino-American Friendship Footbridge’ na simbolo rin ng katatapos lamang na Fil-Am Friensdship Day noong Hulyo 4.
Isa rin umano si Thomas sa humiling ng nasabing footbridge upang magkaroon ng seguridad ang mga aplikante ng visa sa US Embassy at iba pang nagtutungo doon. Ang nasabing tulay ay joint project ni Lim at ni MMDA chair Tolentino. May diretsong access din sa bagong gusali ng US Embassy ang nasabing footbridge. Nagkakahalaga ng P7.8 milyon ang tulay na tinapos sa loob ng 3 buwan na may habang 47 metro.
- Latest
- Trending
















