Pahinante binoga habang natutulog

Manila, Philippines - Hindi na nagising pa ang isang 24-anyos na pahi­nante makaraang barilin sa ulo ng ’di-pa nakilalang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Roberto Villa­nueva, truck helper,  ng #006 Bulacan Street, Barangay Payatas, QC.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Rolando Lopez, dakong alas-4 ng madaling-araw nang pasukin sa silid at ratratin ang biktimang natutulog.

Ayon sa ina ng biktima na si Rosita Villanueva, na­gising siya sa pagkakatulog matapos makarinig  ng malakas na putok ng baril sa loob mismo ng kanilang bahay kaya agad nitong tinungo ang silid ng anak.

Dito, tumambad ang duguang katawan ng anak na  nagtamo ng tama ng bala  sa ulo.

Show comments